Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang
tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng
kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila.
Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni
Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig
mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang
kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang
tutubi rin.
Isang araw, naisipan niyang lumipad
patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa
labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya
sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita.
Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng
maitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay
mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa
kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga
matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang
sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang
iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga
mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan
ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi
umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa
palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang
isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari.
Nagpatawag agad ang hari ng kawal.
“Pumunta ka ngayon
din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong
dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang
kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis na
lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay
walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na
tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling
nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming
anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga
tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo
ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay
naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na
pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.
Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga
tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni
Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga matsing.
“Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang
malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna
ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa
kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal
na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa
at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo at
lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang
mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang
matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang
pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng
kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya
ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang
pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang
matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala,
walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi.
Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.
Mula sa http://filipinobaitang9.blogspot.com/
ni Maam Marvilyn Mixto