Bahagi
ng Tulang Elehiya Para kay Ram
Ni Pat V.
Villafuerte
Kung ang
kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na
kailangang humakbang pa
Sapagkat
simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na
batong naraanan mo
Habang
nakamasid lamang
Ang mga batang
lansangang nakasama mo
Nang maraming
taon.
Silang
nangakalahad ang mga kamay
Silang may
tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may
inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng
maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng
maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na
nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming
bakit at paano
Ay nanatili
kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin
ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi
mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo
matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang
pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong
ama ng lima mong nakababatang kapatid.
KULTURA:
Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at
Buhay ng Kinabukasan
ni Pat V.
Villafuerte
NOON, ang bawat
paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak
sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito
kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito
kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o
marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o
mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat
paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat
paghakbang ay may mararating.
ang bawat
paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi na
mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na
pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan
ng maraming pagsubok,
pangamba at
panganib
mula pa sa
panahon ng kawalang-malay
hanggang sa
panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at
kasarinlan
at hanggang sa
kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang
kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may
ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng
pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng
pamamaalam.
ito ang ating
tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang
ipinamana sa atin ng nakaraan.
NGAYON, sa
panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing
nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa
ating diwa
nagbabanyos sa
ating damdamin
nag-aakyat sa
ating kaluluwa
sinubok ng
maraming taon
inalay sa mga
bagong sibol ng panahon
anumang kulay,
anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y
pinayayabong
nang may halong
sigla at tuwa,
nang may
kasalong pagsubok at paghamon
kulturang
sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang
inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang
sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang
pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang
patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya,
pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng
maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng
makukulay na karanasan
kulturang
inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo
ng kultura
regalo ng
kasalukuyan.
BUKAS, ang
kulturang itinudla ng nakaraan
at inireregalo
ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling
repleksyon ng kabutihan
kulturang
gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang
rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang
luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga
awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng
pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal
ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay
sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama,
magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy
na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang
pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing
magiting
ng lahing
kapuri-puri
ng lahing
marangal.
Ang
Pagbabalik
ni Jose Corazon
de Jesus
Babahagya ko
nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y
luha ang nangag-unahan;
Isang panyong
puti ang ikinakaway,
Nang siya’y
iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong
kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako,
siya’y nalulumbay!
Nang sa
tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang
sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y
“Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong
luha’y nalaglag...
At ako’y
umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang
puso’t naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang
araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan
nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na
noong aking datnin,
Ang pinagsadya
kong malayang lupain:
Kuwagong nasa
kubo’t mga ibong itim,
Ang
nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng
naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako
ng magandang loob;
Kumain ng
konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong
tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko,
“Pusong naglalagot,
Mamatay kung
ako’y talaga nang kulog!”
Nang
kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y
namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na
ang dapat kong gawin:
Ako’y
nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang
magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko
na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi,
taglay ko ang lahat,
Mga
bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na
damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko
na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y
umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil
ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y
lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong
ami’y meron pang musiko,
Ang aming
tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo
ang maraming tao...
“Salamat sa
Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila
na darating ako.”
At ako’y
tumuloy... pinto ng mabuksan,
Mata’y
napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila
ang nangagbabantay;
Sa
paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti
at nang aking hagkan;
Para pang
sinabi “Irog ko, paalam!”
Sitti
Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
ni Jan Henry M.
Choa Jr.
Isa
sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang
Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa
kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito
ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix
Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na
ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim
na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit.
Dahil
sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay
bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan
ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal
tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi
lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng
awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa
katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia.
Mayroon din siyang sariling production company, Sitti
Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya
rin ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang
artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi
nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa
siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa
maganda niyang katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang
pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga tinatamasa.
Tunay
na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na
may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng
musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng
Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang
mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng
Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento