Kay
Estella Zeehandelaar
Salin ni Ruth
Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga
Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara,
Mayo 25, 1899
Ibig
na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong
kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t
isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng
aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung
pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi
ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong
hindi maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y
pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating
iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung
paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit
nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang
sumasalungat sa kaunlarang
hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.
Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o
putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang
lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa
mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat
ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay
sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong
pagsuyo?
Ngunit
hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at
bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para hangarin
angpagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso
ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy
na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang
binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at
sumigla.
Ngayo’y
kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara.
Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-aunahang regent ng
gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa
ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may
edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay
na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot
naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral
sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng
karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang
kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands atnaglilingkod
din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y
bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa
kahigpitan ng aming lumang tradisyon
at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng
aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging
lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay
ang libreng grammar school ng mga European.
Nang
tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipaguganayan
sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban
kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang dikilalang lalaking
pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko
namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan
kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang
nagawa. Hindi
nahikayat ang mga magulang ko;
nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi
ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan
sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang
pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at
kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging
kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t
kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon;
umalingawngaw sa
lahat ng dako ang mga yabag niya.
Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na
balangkas ng mga lumang tradisyon.
Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y
pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga
di-inanyayahang panauhin.
Sa
wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon.
Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi
nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod
ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang
sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa (bilang
Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng
mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming
buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas,
na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang
“krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga
kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman
pa sa amin. Subalit
hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig
kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista,o
malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan.
Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, magaral, hindi para mapailalim sa
sino man, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit
dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking
maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At
ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable.
At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang
mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at
kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang.
Sanaysay 1
Pinalaki
tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na
hindi naman natin nakikita. kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at
mangkukulam. Mga lamang-lupa raw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi
isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag
nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamut para sa
sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na
mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng
gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot.
At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang
ipinambili ng gamot.
Sanaysay 2
Ang
ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili
nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na
ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating
kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na
nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping
ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating
namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi
mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema
hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw
nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng
magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay rito ay
magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sa mga basurang itinatapon nang
walang kontrol sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira ang ating kapaligiran
lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang
ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema
sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga produktong na ating
binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upang
mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel
halimbawa ay maaari pang i-recycle upang mabawasan
kahit kaunti ang basurang maaari
nitong malikha sa ating mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli
ang lahat. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang suliranin natin sa basura
at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating
na henerasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento